Clippers nagpalakas ng tsansa sa No. 2 seed
LOS ANGELES -- HinÂdi maglalaro si Blake Griffin sa Portland kahit na bawiin ng liga ang kanÂyang one-game suspenÂsion matapos makamit ang ika-16 technical niya sa season.
Mananatili si Griffin sa Los Angeles para magpaÂhinga kagaya ni J.J. Redick, habang isasaÂra ng Clippers ang regular season kontra sa Trail BlaÂzers.
Inilista ng Clippers ang kanilang franchise-reÂcord na ika-57 panalo maÂtapos kunin ang 117-105 tagumpay laban sa DenÂver Nuggets.
Umiskor si Griffin ng 24 points para sa Clippers.
“I’m very happy that we’re doing this stuff, but it’s not what we want,†sabi ni Clippers coach Doc Rivers.
Nagposte naman si Chris Paul ng 21 points at 10 assists, habang may 18 marÂkers si Redick para sa huling laro ng Clippers sa Los Angeles.
Humakot naman si cenÂter DeAndre Jordan ng 13 points at 16 rebounds.
Ang panalo ang nagpalakas sa paghahabol ng Clippers para sa No. 2 seed sa Western ConfeÂrence playoffs.
Kailangan nilang maÂnalo sa Portland at ipagÂdasal na matalo ang OkÂlahoma City Thunder sa Detroit Pistons sa MiyerÂkules para makamit ang second spot.
Ngunit kung hindi mangyayari ang mga ito ay mananatili silang third seed.
Ang pang-16 technical naman ni Griffin ay naÂngaÂngaÂhulugan ng league-manÂdated na one-game susÂpension.
“I honestly do,†ani GrifÂfin. “It was one of those ones that was kind of a continuation. If I make a play on the ball and I hit the ball first, and he gives me a tech for that, I’m not sure if that’s going to stand up.â€
Napatawan ng techniÂcal foul si Griffin sa huÂÂling 3:23 minuto sa seÂcond quarter.
Pinilit niyang agawin kay Timofey Mozgov ang bola na tinamaan niya sa ulo.
Pinamunuan ni Kenneth Faried ang Nuggets sa kanyang 21 points kasunod ang 19 ni Aaron Brooks, habang nagtala si Mozgov ng 18 points at 11 rebounds.
Sa New York, umiskor si Tim Hardaway Jr. ng 16 points para igiya ang Knicks, naglaro nang wala ang may injury na si Carmelo Anthony, sa 109-98 panalo kontra sa Brooklyn Nets.
Ipinagkait ng Knicks sa Nets na masikwat ang No. 5 seed sa Eastern ConÂference playoffs para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Nagdagdag sina poÂwer forward AmaÂre StouÂdemire at J.R. Smith ng tig-14 points para sa New York.
- Latest