^

PM Sports

Manny sa Las Vegas muli nais lumaban

Pang-masa

HOLLYWOOD – Kung si Manny Pacquiao ang pa­pipiliin ay mas gusto niya pa ring lumaban sa Las Ve­gas, Nevada.

Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ni promoter Bob Arum ng Top Rank Promotions na nais niyang itakda ang susunod na laban ni Pacquiao sa Nobyembre sa Macau, China.

“I still like Vegas. I want to fight there,” sabi ni Pacquiao, umiskor ng unanimous decision win kay Timothy Bradley, Jr. sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada noong Linggo.

Unang lumaban si Pacquiao sa tinaguriang ‘Sin Ci­ty’ noong 2001.

Bilang isang late replacement, pinabagsak niya si Lehlo Ledwaba sa sixth round para agawin sa South African ang IBF super bantamweight crown, ang kanyang ikalawang world title.

At mula noon ay nagbigay na si Pacquiao ng mga kapana-panabik na mga laban sa  Las Vegas.

Hinirang si ‘Pacman’ bilang nag-iisang boksi­nge­rong naghari sa walong magkakaibang weight divisions.

Tatlong beses niyang sinagupa si Mexican Erik Mo­rales at apat na ulit naman niyang nakabangga si Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.

Sa Las Vegas din tinalo ni Pacquiao si Marco Antonio Barrera at pati si Oscar dela Hoya.

Lumaban si Pacquiao ng 16 beses sa Las Vegas at 11 naman sa MGM.

“This is where I started. I like the crowd in Vegas,” sabi ni Pacquiao.

Matapos mapatulog ang Filipino icon ni Marquez sa sixth round noong Disyembre ng 2012 ay hindi lu­maban si Pacquiao ng halos isang taon.

Sa kanyang pagbabalik sa eksena ay hinarap niya sa Macau si Brandon Rios para sa kanilang non-title fight.

Dinomina ni Pacquiao si Rios sa kabuuan ng ka­nilang 12-round bout. (Abac Cordero)

vuukle comment

ABAC CORDERO

BOB ARUM

BRANDON RIOS

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VE

LAS VEGAS

LEHLO LEDWABA

MACAU

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with