Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Umatras si Go TRO para sa election vs POC ‘di itinuloy

MANILA, Philippines - Wala nang balak si Go Teng Kok na ituloy pa ang laban kontra sa Philippine Olympic Committee (POC) na pina-ngungunahan ni Jose Cojuangco Jr.

Humarap si Go sa mga mamamahayag kagabi upang ihayag ang biglaang desisyon na aniya ay nabuo matapos ang isang araw na pag-iisip at pagmumuni-muni sa mga payo ni da-ting PSC chairman Philip Ella Juico.

“Ayoko na,” wika ni Go na ikinagulat ng marami lalo pa’t palaban siya sa mga nagdaang araw matapos ‘di payagang tumakbo sa POC election kahit may paborableng desisyon mula sa Korte Suprema.

Nilinaw niyang tunay na handa na siyang humingi ng TRO sa Pasig Regional  Trial Court at nasa korte na pero hindi niya itinuloy para tapusin na ang gulo.

“Nasa RTC na ako pero hindi ko na itinuloy ang pag-file ng TRO. Wala na akong dapat na patunayan pa dahil wala naman akong ginawang masama at nanalo ako sa lahat ng kaso ko,” dagdag ni Go.

Umabot sa walong kaso ang isinampa ni Go sa POC at lahat ng ito ay kanyang naipanalo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Naging mabigat din sa desisyon ni Go ang  payo ni Juico na huwag nang dagdagan pa ang mga problemang kinakaharap ni Pangulong Aquino,

Naunang nagbanta si Cojuangco, tiyuhin ng Pa-ngulo, na posibleng masuspindi ang Pilipinas ng International Olympic Committee (IOC) dahil sa kasong government intervention.

“Sinabi niya sa akin na maliit na problema lamang ito at hindi na dapat palakihin pa. Huwag na dapat dagdagan ang problema ni President Aquino. Kaya hahayaan ko nang matuloy ang eleksyon at bahala na sila kung sino ang gusto nilang maupo bilang POC president,” wika pa ni Go.

Handa na rin si Go na bitiwan ang pagiging pa-ngulo ng PATAFA sa pamamagitan ng isang eleksyon na kanyang ipapatawag sa Enero.

Sa usapin patungkol sa ipinataw na persona non grata sa kanya, sinabi ni Go na hahayaan na niya ang POC na magdesisyon sa bagay na ito matapos ang ginawang hakbang.

Ang desisyong ito ni Go ay tumabon sa balita na posibleng ma-disqualified si Manny Lopez na planong tumakbo uli bilang 1st Vice President ng POC.

Nalalagay umano sa kontrobersya si Lopez dahil posibleng hindi siya ang boboto sa Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP).

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: