^

PM Sports

Zamboanga City nagbida sa Mindanao leg ng 2012 Batang Pinoy

Pang-masa

DAPITAN CITY, Philippines  – Ka­tulad ng dapat asahan, na­nguna ang Davao City at Zamboanga City sa pag­wawakas ng Philippine Olympic Committee-Phi­lippine Sports Commis­sion Batang Pinoy 2012 Min­­danao leg.

Kumolekta ang Zam­bo­anga City ng kabuuang 42 golds, 27 silvers at 25 bronzes sa 11 sports kung saan ang mga gold at silver winners ay makakala­ro sa National Finals sa Ilo­ilo City sa Disyembre 5-9.

Nanguna rin ang Zam­boanga City sa karate­do sa kanilang sinikwat na 14 gold medals bukod pa sa 13 sa swimming at 7 sa athletics.

Pumangalawa ang Da­vao City sa sinikwat na 40 gold, 27 silver at 14 bron­ze medals.

Ang 15 ginto ng Da­vao City ay mula sa swim­ming kung saan ang lima dito ay galing sa 15-anyos na si Dara Cla­riza Evangelista.

Sa chess, anim na gin­to ang isinulong ni Fide Mas­ter Austin Jacob Lite­ratus ng Davao City mula sa kanyang mga panalo sa boys standard, blitz and ra­pid at team events.

Kumuha ang Davao Ci­ty ng 10 gold medals sa chess at may tig-anim sa arnis at athletics at dalawa sa karatedo.

Nagbida naman ang mga atleta ng General Santos City at Davao del Norte sa taekwondo, habang nagbida ang Panabo City at Misamis Oriental sa boxing event.

Anim na gintong me­dalya ang kinopo ng Gen. Santos City sa taekwondo, habang may tatlo ang Davao del Norte.

Nagtakbo ang Gen. San­tos City ng anim na gold medals sa athletics at may lima ang Panabo Ci­ty sa boxing kasunod ang tat­lo ng Misamis Oriental.

vuukle comment

AUSTIN JACOB LITE

BATANG PINOY

CITY

DARA CLA

DAVAO

DAVAO CI

DAVAO CITY

FIDE MAS

MISAMIS ORIENTAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with