^

PM Sports

Bulls tinalo ang Wolves Nate Robinson nagpasikat

Pang-masa

CHICAGO -- Sa hindi pa rin paglalaro ni Chicago Bulls star Derrick Rose at nalimitahan ang dalawa ni­lang starters, nagbida naman ang kanilang bench.

Umiskor si Nate Robinson ng 18 points mula sa bench at tinalo ng Bulls ang Minnesota, 87-80, na tu­mapos sa three-game winning streak ng Timberwolves.

Naglaro si Robinson sa loob ng 31 minuto matapos magkaroon ng right hip strain si starting point guard Kirk Hinrich sa second quarter.

Si Robinson ang nagpaningas sa 11-point run,  ng Chi­cago upang talunin ang Minnesota sa pang-anim na sunod na pagkakataon.

“‘I just try to get my teammates involved and bring energy,”’ sabi ni Robinson. “Hopefully I did that.”

Humakot si center Joakim Noah ng 17 points at 7 re­bounds, habang may 16 points at 7 boards si Luol Deng para sa Bulls (4-2).

“We’ve got to just keep fighting for as many wins as possible,” wika ni Noah. “It’s always been like that.”

Pinangunahan ni Nikola Pekovic ang Timberwolves (4-2) sa likod ng kanyang 18 points at 8 rebounds.

Nagdagdag si Andrei Kirilenko ng 11 points, 12 re­bounds at 7 assists para sa Minnesota.

Si reserve Taj Gibson ay nag-ambag ng 8 points, 8 re­bounds at 3 blocks para sa Chicago.

Sa Toronto, umiskor sina Thaddeus Young, Jrue Holiday at Nick Young ng tig-16 points para tulungan ang Philadelphia sa 93-83 panalo laban sa Toronto.

Ito ang kanilang pang-limang panalo sa anim na paghaharap nila ng Raptors.

Matapos umasa sa kanyang mga starters sa kanilang panalo sa Boston noong Biyernes, alam ni 76ers coach Doug Collins na kailangang mag-init ang opensa ng kanyang bench para talunin ang Toronto.

Halos hindi makagulapay sina Holiday, Evan Turner at Young noong Biyernes makaraang maglaro ng higit sa 40 minuto laban sa Celtics.

Nagtuwang naman sina Young, Spencer Hawes at Royal Ivey para sa Sixers.

“Our first unit just didn’t have any juice at all,’’ sabi ni Collins. “Our second unit was fantastic and that was the difference in the game. ‘That’s what we’re going to have to do, because we have 22 back-to-backs this year.”

Nag-ambag si Hawes ng 12 points at 11 rebounds, habang may 15 points naman si Dorell Wright.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Philadelphia.

Matapos biguin ang Celtics, 106-100, noong Biyernes, tinalo naman ng Si­xers ang isa pang kari­bal sa Atlantic Division na Rap­tors.

Pinamunuan ni Andrea Bargnani ang Toronto sa kanyang 23 points kasunod ang 19 markers ni De­Mar DeRozan.

vuukle comment

ANDREA BARGNANI

ANDREI KIRILENKO

ATLANTIC DIVISION

BIYERNES

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

DORELL WRIGHT

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with