^

PM Sports

Meralco Bolts kinuryente ang Boosters Ginebra tumagay

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Diniskaril ng Barangay Ginebra San Miguel ang tangkang pagpasok ng nagdedepensang Talk ‘N Text sa quarterfinal round nang kunin ang 104-101 panalo sa elimina­tion round ng 2012-2013 PBA Phi­lippine Cup kagabi sa SM MOA Arena sa Pasay Ci­ty.

Umasa ang Gin Kings kina one-time PBA Most Valuable Players Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand sa huling dalawang minuto sa final canto para biguin ang Tropang Texters.

Kumolekta si Caguioa ng 22 points at 11 rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Ginebra.

Matapos ang split ni LA Tenorio para sa 104-98 bentahe ng Ginebra sa huling 13.0 segundo, kumonekta naman si Larry Fonacier ng isang three-point shot para idikit ang Talk ‘N Text sa 101-104 sa nalalabing 5.6 segundo.

Sa unang laro, tinalo ni Sol Mercado ang buong koponan ng Petron Blaze sa iskoran sa third quarter para ibigay sa Meralco ang 95-81 panalo.

Nagtala ng 14 sa kanyang 22 puntos si Mer­ca­do kumpara sa 13 ng Boosters sa third period kung saan itinala ng Bolts ang malaking 69-51 bentahe papasok sa final can­to.

Nagmula ang Meralco sa 81-106 pagkatalo sa Rain or Shine.

“After a deflating de­feat against Rain or Shine, we want to test our bounce back gene and we did,” sabi ni coach Ryan Gre­gorio sa kanyang Bolts.

Nagdagdag si Merca­do ng 7 assists at 4 rebounds, samantalang nag­lista si Mark Cardona ng 16 points, 10 assists at 9 re­bounds.

Samantala, nakilala na ang nanloob sa dugout ng Bolts gamit ang CCTV ca­mera noong nakaraang bu­wan sa MOA Arena sa laro nila ng Batang Pier.

Sinabi ng Meralco na sa­­kaling mahuli na ang suspek ay saka pa lamang sila gagawa ng aksyon.

 Meralco 95 - Mercado 22, Hugnatan 22, Cardo­na 16, Hodge 15, Ross 9, Bue­nafe 6, Salvacion 3, Reyes 2, Belencion 0, Bulawan 0, Bor­boran 0.

Petron 81 - Cabagnot 19, Lutz 13, Santos 10, Duncil 9, Miranda 8, Yeo 7, Faundo 6, Washington 5, Mallari 2, Sison 2, Lassiter 0.

Quarterscores: 25-20; 45-38; 69-51; 95-81.

Ginebra 104 - Caguioa 22, Tenorio 21, Hatfield 12, Ellis 11, Helterbrand 11, Ma­maril 9, Maierhofer 6, Espiritu 5, Wilson 4, Taha 3, Labagala 0.

Talk ‘N Text 101 - De Ocampo 20, Castro 18, Alapag 17, Fonacier 16, Williams 11, Reyes 5, Aban 5, Peek 5, Ferriols 2, Carey 2, Gamalinda 0, Dillinger 0.

Quarterscores: 32-29; 54-48; 83-72; 104-101.

 

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

BATANG PIER

CAGUIOA

DE OCAMPO

GIN KINGS

GINEBRA

JAYJAY HELTERBRAND

MERALCO

N TEXT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with