^

Para Manalo

Gusto nang tapusin ng Lady Bulldogs

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng National University Lady Bulldogs na walisin ang kanilang best-of-three championship series laban sa Far Eastern University Lady Tamaraws ngayon sa Game Two ng 2017 Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Matapos  ang 25-22, 21-25, 25-18, 26-24  panalo sa Game One noong Miyerkules, malakas ang tiwala ng Lady Bulldogs na tatapusin na nila ang serye sa kanilang pakikipagtatagpo sa Lady Tamaraws ngayong alas-6:30 ng gabi.

Sa men’s division, inaasahan din ng top seed na Ateneo Blue Eagles na sungkitin ang kanilang ikatlong sunod na titulo sa pagharap sa Far Eastern University Tamaraws sa Game Two ngayong alauna ng hapon.

Nagwagi ang Blue Eagles sa Tamaraws, 25-22, 25-20, 25-19  sa unang laro noong Miyerkules din.

Tangan ang 1-0 bentahe sa best-of-three battle para sa ikatlong puwesto, gusto din ng reigning NCAA champion Arellano University Lady Chiefs na makuha na ang tropeo laban sa Adamson Lady Falcons sa alas-4 ng hapon gayundin ang University of Sto. Tomas Growling Tigers (1-0) laban sa National University Bulldogs (0-1) sa alas-11 ng umaga sa men’s game.

Sasandal si NU coach Babes Castillo kay Jaja Santiago na umiskor ng 23 puntos kabilang ang 15 atake, apat na kill blocks at apat na aces sa Game One habang si Risa Sato ay umani rin ng 12 puntos at 11 mula kay Audrey Paran.

Ang iba pang inaasahan ni coach Castillo ay si Jorelle Singh na tumulong din ng siyam na puntos at Aiko Urdas na gumawa ng walong puntos at 16 digs at Jasmine Nabor na nagtali ng 46 excellent sets sa kabuuang 51 atake sa Lady Bulldogs.

“Hindi pa talaga nila (Lady Bulldogs) nakukuha ang  balance on being relaxed and assertive,” ani Castillo.

Sa panig naman ni coach George Pascua ng FEU, aasa siya kina Czarina Carandang na umiskor din ng 17 puntos sa unang laro at Jeanette Villareal na nagposte ng 15 habang sampu mula kay Toni Rose Basas para sa Lady Tamaraws.

Hindi pa sigurado kung maglalaro na si top hitter Bernadette Pons at libero Kyla Atienza para sa FEU dahil naglalaro pa sila sa 80th UAAP beach volleyball championship sa Sands SM By the Bay.

“I’m satisfied because they gave their best. It’s just that they succumbed in the end. It will only make us strong in Game 2 and Game 3. It also happened to us in the best-of-three before, so I told them we should learn from that,” ayon kay Pascua.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with