^

PSN Showbiz

Pia positive sa kambal na anak ni Marlon!; Vhong Miss Erik ang tinawag kay Erik Santos

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Ipinagdiwang kahapon ni Tirso Cruz III ang kanyang 65th birthday sa piling ng mga tao na may life-threate­ning condition na tinutulungan ng Make A Wish Foundation.

Scene: Umaasa ang pamunuan ng The Icon Clinic na lalabas ang katotohanan. Isinara  ang The Icon Clinic dahil sa pagkamatay noong  Linggo ng kanilang pasyente na si Shiryl Saturnino nang sumasailalim ito sa liposuction, butt at breast augmentation procedure.

Seen: Sina Patricia Javier, Ara Mina at Ynez Veneracion ang ilan sa mga celebrity na bumisita sa clinic ng The Icon sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Scene: Nirekomenda noon ng broadcast journalist na si Korina Sanchez ang Hydra Facial treatment ng The Icon Clinic. Naka-post sa IG account ni Korina ang endorsement niya sa nasabing beauty and skin clinic.

Scene: “Ano ang gusto ninyong pag-usapan?” ang cute na tanong ni Pia Wurtzbach sa isang hosting job niya noong Biyernes ng gabi. Positive attitude ang ipinakikita ni Pia sa gitna ng isyu na may kambal na anak ang kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Seen: “Miss Erik”  ang wala sa sarili na nasabi ni Vhong Navarro kay Erik Santos, isa sa mga hurado kahapon sa Tawag ng Tanghalan Kids ng It’s Showtime.

 

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with