^

Para Malibang

Pangalawang Anino (337)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

ISANG katawan na lang ang hindi nakukuha sa dagat.

Ang kay Yawan.

Wala siyempreng nakuhang anino ang mga rescuers dahil hindi naman nila siguro makikita ang aninong si Yawanaya.

Nakiusap si Roger sa mga rescuers. “Kailangang makuha ang bangkay ng anak ko. Kailangang masiguro namin kung patay na ba talaga siya o buhay pa.”

“Tumagilid na kasi ngayon ang eroplano sa ilalim ng dagat, Sir. Kaya nahihirapan na kami. Pero hindi pa rin naman ho kami sumusuko. Iisang katawan na lang ‘yan, siguradong makukuha pa namin ‘yan.”

Napaisip si Roger.

Naawa rin naman siya sa pangalawang anino ng kanyang anak.

“ Baka may makikita kayo doon na anino. Pakiahon na rin ho ninyo siya.”

Napatanga ang dalawa sa mga rescuers sa narinig. “Anino ho? Paano ho ba nagkakaroon ng anino kung walang tao?” Ang reaction na tanong ng isa.

Nagsikap magpaliwanag si Roger. “Iho, may mga kababalaghan na ngayon. Lalo na sa aming lugar. Ang aninong iyon ay pangalawang anino ng aking anak na may sariling personalidad. Para rin siyang katawan ng isang tao pero madilim nga lang ang kulay niya kasi nga anino siya.”

“Sir, Tatay ... pasensya na ho ... pero ... hindi ho kaya dahil sa nangyari sa inyong anak kaya kayo nagkakaganyan? Parang medyo naiiba na ang pag-iisip?”

Umiling si Roger. “Hindi ako nasisiraan ng bait kung ‘yan ang ibig mong sabihin, iho. Totoong ang anak ko ay may dalawang anino. At parehong may mga sariling pagkatao. Ang unang anino ng anak ko ay nasa amin, nagsisilbi sa simbahan, napakabait. Pero ang pangalawang anino ay salbahe. Nakuha ang uri ng pagkatao ng ... anak ko. Masakit mang aminin.”

Hindi pa rin naniniwala ang dalawang rescuers.

“Ang sisikapin ho naming maiahon ay ang katawan ng inyong anak. Wala ho kaming pakialam sa anino. Dahil ho hindi po tao ang turing namin doon.”

Umawat na si Nanette sa ama. “Tama na ho, Itay. Hindi natin sila maaring pilitin. Dahil ang isang anino ay mahirap talagang ipresentang tao at paghihirapan nilang maiahon sa malalim na dagat. Ako na ho ang bahala kay Yawanaya.”

“Nanette, iaahon mo siya?”

“Bakit naman ho hindi, Itay? Pangalawang anino siya ng kapatid ko sa ama.”

“Paano si Yawan?”

“Tutulong din po ako sa paghanap at pag-ahon sa kanya.” ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with