^

Para Malibang

Maging patas sa mga empleyado

PRODUKTIBO - Pang-masa

Sa lahat ng pagkakataon ay  laging panghawakan  ang virtue ng pagiging fair o patas sa mga tao. Maging fair para sa lahat lalo na sa iyong mga empleyado. Magkaroon ng rules at policies sa kompanya upang magkaroon ng reward at punishment na maging consistent sa pagpapataw na wala dapat kinikilingan.  Tama lang na bago pa ang lahat ay alam na dapat ng mga tauhan ang values na pinanghahawakan ng kompanya. Mula sa adhikain, rules, policies, guidelines, at pinaninindigan ng opisina upang sumunod din sa polisiya ang mga staff at crew.

Kung mayroong rules walang lalabas na sopresa pagdating sa pagbibigay ng correction na ginagawa ng kompanya. Wala dapat  hidden agenda ang Human Resources (HR) sa pagpapatupad ng rules ng kompanya. Huwag agad basta magpapataw ng disciplinary action na walang masusing pag-iimbestiga. Huwag din isipin ng mga empleyado na ang pagbibigay ng rules ay para sa paghihigpit ng kompanya, kundi upang magkaroon ng magandang kaayusan at standard ang flow ng patakaran ng kompanya.  Huwag din kalimutan ng kompanya na ang ibigay ang nararapat na reward para sa mga empleyado. Dahil ang happy at busog  na wallet ng mga employees ay pampagana upang mas lalong maging  productive sa kanilang  pagtatrabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with