^

Para Malibang

Tatay ‘di maabot ang anak

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Limang taon kaming hindi nagsama ng anak ko dahil nasa Saudi ako nagtatrabaho. Ngayon napilitan akong umuwi ng ‘Pinas dahil nalugi ang kompanya na pinagtatrabahuhan ko. Ang laki ng ipinagbago ng anak kong prinsesa na 14 years old na. Parang hindi ko na siya kilala. Ayaw na akong kasama, kausap, kayakap, at ayaw ding pinagsasabihan. Laging nakasinghay at sinisimangutan ako. Bilang tatay, sakit sa dibdib. Ilang taon kong tiniis na ‘di  makasama ang anak ko. Pero malayo ang loob niya sa akin para akong may sakit na ayaw niyang kausap.  Kaya lumalayo na rin ako at pinauubaya ko na lang sa misis ko ang pagkausap sa anak namin or less masasampal ko talaga sa galit. Ano ba ang dapat kong gawin? – Mang Cardo

Dear Mang Cardo,

Puwedeng nag-a-adjust lamang ang iyong anak dahil hindi siya sanay na kasama ka. Isipin mo rin na dapat ibang approach na ang trato ngayon sa mga millennials na anak. Maging mahinahon at kausapin ang anak sa kanyang naiisip o dapat na reaction. Ang anak ay laging maghahanap ng ama hindi lamang nila ma-express ang sarili.  Bilang tatay katuwang  si misis; alalayan at subaybayan ang anak upang hindi siya maligaw ng landas.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with