^

Para Malibang

Lahat ng bigay ng ex kailangan bang isauli?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Katangahan lang ‘yun ‘pag binigyan ka na ng gamit at ibinalik mo ‘pag nag-break kayo. Alangan naman na isauli mo pa ang sapatos na regalo niya kung maghihiwalay kayo ‘di ba? Hindi naman niya ‘yun magagamit. Eh ang briefs na regalo niya noong Valentine, ibabalik mo pa ba? Hahahaha, alangan naman na ipagamit niya ‘yun sa tatay niya o kuya.  – Niko, Pasig

• Kung ako ang tatanungin oo. Ibabalik ko lahat ng bigay ng ex ko sa akin. Kasi lahat ng mga ‘yun ‘pag nakita mo eh maaalala mo lang din lahat ng ginawa n’yo at masasayang alaala sa kanya. Mahihirapan kang maka-move on. Kaya dapat ibalik lahat ‘yun ultimo ballpen o maliliit na bagay. Pero dapat ibalik din niya sa akin ang lahat ng ibinigay ko. – Chito, Palawan

• Ayoko na sanang gawin pang isyu ang mga gamit na ibinigay namin sa isa’t isa. Kung tapos na ang relasyon namin ng ex ko, hayaan na lang na hanggang doon na lang. Hindi naman natin kailangang magpaka-bitter eh? Tanggapin na lang na past is past. Hanggang doon na lang ang lahat para maging masaya ang natitirang oras ng buhay natin. – Ben, Cotabato

• May mga bagay na dapat bawiin ‘pag naghiwalay kayo tulad ng mga sasakyan, condo unit, at malalaking halaga ng ari-arian o kagamitan. Pero kung mga tipong cell phone lang naman o anik-anik, hayaan mo na lang ‘yun sa kanya. Remembrance na lang na minsan kayong nagmahalan ‘di ba? ‘Yun lang naman ang pananaw ko diyan. – Fernan, Cebu

• Ang kay Juan ay kay Juan at ang kay Pedro ay kay Pedro. Kung sakaling maghiwalay ang magdyowa dapat hati rin ang ari-arian. Sakaling maghiwalay ang dalawang nagsasama, ibalik dapat ang dapat ay kanino. ‘Wag kang maging gahaman. Irespeto mo dapat ang ibinigay niya sa iyo. Sa kanya pa rin ‘yun galing. Kung ayaw niyang tanggapin eh ‘di saka mo kunin. Hahahaha – Rico, Batangas

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with