Magdyowang magkaiba ang direksiyon
Dear Vanezza,
Gusto na ng BF ko na magpakasal na kami dahil two years na kaming mag-on at may stable na trabaho sa edad kong 25 years old. Pero pangarap ko pang mag-abroad at mag-settle sa ibang bansa. Pero kuntento na ang BF ko rito sa ‘Pinas at ayaw man lang subukan na mag-apply ng trabaho sa labas ng bansa. Magkaiba kami ng direksiyon sa buhay, naisip ko lang kung talagang kami ba talaga ang para sa isa’t isa. Dapat ba akong sumunod sa kanya kaysa sa plano ko? – Ging
Dear Ging,
Kung saan ka magiging masaya ito ang gawin mo. Baka nga hindi kayo ang magkapalaran dahil ibang buhay ang gusto niya, kumpara sa plano mong gustong mag-abroad. Dahil darating din ang panahon na manghihinayang na hindi mo tinupad ang iyong pangarap na pumunta sa ibang bansa.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest