Epekto ng temperature sa sperm production
Palagi bang naiinitan si ‘Manoy?’
Naku mga kuya, tigil-tigilan na ang mga ginagawa mong naiinitan ang iyong ‘batuta.’
Sinasabing masama kapag naiinitan si ‘Manoy’.
Naaapektuhan ang sperm production, hindi lang ang quantity kundi pati na rin ang quality. Ayon sa isang artikulo sa http://www.malefertilitydoc.com, nakaka-relax ang pagha-hot-tub pero kung madalas at matagal nagbababad, hindi ito maganda sa reproductive health.
Ang testicle na nasa loob ng scrotum ay minimintina ito ng mas mababa sa two degrees kumpara sa core body temperature. Kapag mainit, nagre-relax ang scrotum at bumababa ang testicles. Siyempre kapag malamig, alam na this, tumatayo ito at mas malapit sa katawan. Masama rin kapag nilalagnat nang matagal dahil nakakaapekto ito sa male fertility. Kahit gumaling na, matagal pa bago bumalik ang sperm quality. Kaya mga kuya, bawal magkasakit.
Iwasan ding naiinitan lagi si ‘Manoy’. (ITUTULOY)
- Latest