^

Para Malibang

Bakit ‘di Pinapakasalan ng Lalaki ang ‘Best Woman?’

Pang-masa

Alam n’yo ba kung bakit hindi pinapakasalan ng lalaki ang “best woman?” Best na babae; ibig sabihin yung pinaka-generous, loving, pasensyosa, maalala­hanin, edukado, at successful? Ganundin ang dahilan kung bakit hindi rin pinipili ng mga babae ang “nicest” guy.

 Ang rason kung bakit hindi nananatili ang mga men sa mga “better” women dahil sa paraan na kanilang nararamdaman o feelings.

Ang babae puwedeng maging tapat, stable, attractive, at lahat ng magagandang katangian ay nasa kanya na. Pero hindi pa rin ito ang type ng men, kung walang magical feelings o attraction sa kaloob-looban ng mga kalalakihan, walang dating ang bebot sa kanilang kausap o kilala. Pareho lang sa mga kababaihan; maliban may appeal sa kanya ang lalaki kahit gaano pa ito kaguwapo, neat, mabango, kabait, at gentleman. Waley effect ang pumoporma sa kanya.

Isipin na ang attraction ay gaya ng drugs na nakakaadik na hindi matanggihan, kahit ayaw mo na. Kaya kapag nagayuma ng magic na attraction, walang hindi gagawin ang mga kalalakihan masungkit lang ang kakaibang alindog ng babae sa kanyang paningin. Walang pinagkaiba sa mga kababaihan na kapag na-under spell ng attraction ng lalaki, kahit pangit sa paningin ng iba, pero gwapung-guwapo naman ang babae. Ang kuryente ng attraction ang naghihila sa babae at lalaki na walang pinipiling label basta, nasibat na ng pana ni kupido.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with