^

Para Malibang

Pangalawang Anino (328)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

DAHIL nga siguro talunan sila ngayon kay Nanette kaya pati si Yawan ay takot sa maliit na eroplanong umuuga.

“Ganito ba talaga ito kaliglig? Parang bus lang na bibigay!”

“Yawan, mamamatay tayo, ‘di ba? Hindi naman pa tayo deathless?”

“Oo, mamamatay pa tayo!”

“At saan ang punta natin kapag tayo ay namatay? Sa impiyerno siyempre. Baka nga puro apoy doon at magdudusa tayo!”

“Huwag ka ngang nerbiyosa diyan, Yawanaya! Sanay tayo sa apoy takot ka sa impiyerno! Sigurado namang iba ang trato sa atin doon kasi hindi naman tayo basta kung sino lang na makasalanan! Espesyal na alagad tayo ng kasamaan kaya tiyak pagdating natin sa impiyerno, special treatment din tayo!”

Biglang parang tumalon ang eroplano.

Ang lakas ng sigaw ni Yawanaya. “AHHHHHHH!”

Napansin tuloy ng mga pasahero na may aninong nakaupo sa sulok at si Yawanaya iyon.

Hindi siya ibinayad ni Yawan ng seat dahil nga kataka-taka pa rin naman sa ibang tao na may aninong nakabukod sa may-ari.

At nagsasalita.

Napasigaw din ang ilang pasahero na nakatingin sa aninong nakaupo sa sulok.

“EEEEEEEEEE! May multong anino! May aninong multoooo!”

Nagkagulo na. May ibang nakita rin si Yawanaya. May ibang kahit hindi naman nakikita ang nakabukod na anino ay basta na lang nakianod sa takot ng ibang nakakita.

Nag-alala na ang dalawang piloto. Lalo na nang maabisuhan ng stewardess na nagkakagulo sa passengers’ area.

“Sir, may multo raw kaya ho nagsisigawan.  Nag-alisan ho sa kanilang mga upuan!”

“I-manage ninyo sila. Kapag halos lahat ay pumunta sa isang side lang tatagilid ang eroplano. Madidisgrasya tayo!” May matinding concern na rin ang senior pilot.

“Oho. Ini-explain na nga nina Suarez at Antola na masama ang nagpa-panic, e.”

Pinatago ni Yawan si Yawanaya. “Humalo ka sa madilim na lugar, Yawanaya para hindi ka mapapansin. Masama itong takot ang lahat sa iyo at parang nagiging lalong unstable ang eroplano!”

Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with