Kabastusan ng Anak kay Tatay
Dear Vanezza,
Nagagalit ang teacher ko dahil hindi ko pinanood ang tatay ko sa declamation performance ko. Sinungitan ko at ipinalabas ko sa room bago ako nagpi-perform. Napi-pressure at nako-conscious ako kapag nakita si tatay baka mapahiya ako kapag nagkamali sa piece ko. Nagalit si teacher bastos daw ako. Hindi naman ‘di ba? – Rich
Dear Rich,
Kabastusan ang ginawa mo, maaaring nakiusap ka na lang nang maayos kay tatay. Kailangan manghingi ka ng sorry kay tatay. Masuwerte ka dahil may tatay ka pang manonood ng performance mo, maraming anak na wala nang ama na papalakpak sa kanilang mga awarding o competition.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest