^

Para Malibang

Batang Naglalakad ng 4.8 KM Para Makapag-aral

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Humamig ng iba’t ibang reaksiyon sa social media ang walong taong gulang na bata sa China dahil sa kaawa-awa nitong kalagayan para lamang makapag-aral.

Nakatira sa liblib na lugar ang bata at para makara­ting sa kanyang eskwelahan na Zhuanshanbao Primary School sa Yunnan Province, China, kinakailangan ­niyang maglakad ng tumataginting na 4.8 kilometro.

Bumagsak kasi ang temperatura (-9°C) sa nasabing lugar at inabutan ang bata habang naglalakad. Laking gulat ng kanyang guro dahil sa kawalan ng tamang suot panlamig, ang buhok, pilik-mata, at kilay ng bata ay nagyelo kung kaya’t tinawag siyang Ice Boy.

Mahirap lamang ang buhay ng pamilya ng bata kaya kapos din sila sa pambili ng damit na panlamig. Mahirap din lang ang school dahil wala silang heater para sa mga batang nilalamig sa silid-aralan.

At dahil sa naging trending si Ice Boy, bumuhos ang biyaya mula sa concerned citizens mula sa iba’t iba bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with