^

Para Malibang

Pangalawang Anino (327)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAGPASYA na si Yawan na tutulungan ang inang si Alona.

“Paano? Nasaan ba siya?” Tanong ni Yawanaya.

“Sa malayong bundok na banal.”

“Paano tayo pupunta doon?  Basta na lang ba tayo madadala doon ng iyong kapangyarihan?”

“Hindi.”

“Paano?”

“Sasakay ng maliit na eroplano, sasakay ng bus, sasakay ng traysikel ... at maglalakad.”

“Ano? Napakaordinaryong tao naman ang peg natin!”

“Talo nga tayo ngayon ng kabilang puwersa, hindi ba? Iyan ang status natin ngayon, talunan!”

“Eh, kung panalo?”

“Napakadali. Sasabihin ko lang sa utak ko na dalhin tayo doon, dadalhin na nga tayo. Para lang magic.”

“Subukan mo naman muna Yawan. Ayokong mag-travel nang napakahaba at maglalakad pa!”

“Huwag kang mareklamo. Kapag nailigtas natin ang aking ina, panalo na naman ang estado natin. At tiyak na mari-reclaim ko ang iba kong kapangyarihan.”

“Sobrang baba naman ang ibinagsak ng kapangyarihan mo. Sasakay ng traysikel, maglalakad, ano ba ‘yan ...” Himutok ni Yawanaya.

“Gusto mo bang magsolo ka na lang bilang pangalawang anino ko, ha?”

“Aba, hindi naman. Wala akong ganoong plano.”

“Iyon naman pala, e. Kung tutuusin nga suwerte mo pa kasi sasakay tayo ng eroplano. Mas malala kung magbabarko tayo. Napakamahabang biyahe ‘yon.”

“Yawan, wala na nga akong reklamo, e.”

Nag-UBER naman ang dalawa papunta sa airport. Matapos kumuha ng tiket sa isang outlet.

Sumakay sa isang maliit lang na eroplano.

At dahil may para­ting na bagyo, maliglig ang eroplano.

Parehong takot sa totoong kamatayan ang dalawa.

“Yawan, hindi kaya babagsak ito?”

“Ang galaw nga, e. Ang liit naman kasi! Buti pa nagbarko na lang tayo!”

“Pag bumagsak ito, pati ba tayo mamamatay?” Kabado na talaga si Yawanaya.

Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with