^

Para Malibang

Deborsyadang Ina Natanso ng Tibo!

Pang-masa

Grabe na ‘to!

Isang debors­yadang ina mula sa China ang nawindang nang biglang maglaho ang kanyang kinakasamang boyfriend ng mahigit isang taon. Pero hindi lang ito ang ikinaloka niya. Hindi siya makapaniwala nang madiskubreng isa palang babae ang kanyang itinuturing na boyfriend.

Kuwento sa Chinese media ni Wang Qi, 41, mula sa Zhejiang, China, nakilala niya ang mas batang si Qian online taong 2016. Pero kahit pa nagkapalagayan sila ng loob ay umayaw si Wang Qi dahil nga mas matanda siya at may anak pa. Pero nagpursige si Qian at noon ngang June 2016 ay nagsimula na silang mag-date. Noong 2017 ay nag-live in na ang dalawa, at ipinakilala pa umano ni Qian si Wang Qi sa mga magulang nito sa Haikou. Pero kahit pa nagsasama na sila ay ayaw umano ni Qian na mag-sex sila hangga’t hindi pa sila kasal.

Naudlot ang kanilang relasyon nang biglang maglaho si Qian noong November 2017. Nagpalit umano ito ng number at WeChat username kaya hindi na niya ma-trace. Pero nag-imbestiga si Wang Qi at nalaman ngang babae ang nakarehistro sa pangalan ng ex.

Pinaghahanap pa rin ni Wang Qi ang ex at idedemanda raw niya ito dahil gumastos siya ng 300,000 yuan sa kanya o may katumbas na mahigit dalawang milyong piso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with