^

Para Malibang

Kara Tantan Men ng Yatai Ramen Tei, anghang lang ang laban

BURP - Koko - Pang-masa

Burp review

Nagkalat ang mga food kiosk na Japanese kuno ang style sa Metro. May ibang authentic ang lasa at may ibang sad­yang pinilit lang.

Sa Masinag, Antipolo ay may sumulpot na Yatai Ramen Tei. Aliw ang kanilang kiosk dahil mukha itong old school Japanese food stall. Actually, ang ibig sabihin ng “yatai” sa Ingles ay mobile food stall.

Nag-order kami ng Kara Tantan Men na isa sa kanilang recommended. Spicy noodles ito at dahil mahilig kami ay ito ang aming in-order. P125 ang medium size order nito.

Mabilis namang duma­ting pero nadismaya kami sa hitsura. Parang hindi ganun kaanghang ang base soup at chili oil lang ang inilagay. Maging ang arrangement ng mga toppings ay sabug-sabog. Kalahating hard-boiled egg din (Ajitsuke Tamago) ang nakalagay at hindi ito marinated. Walang lasa at parang nilagang itlog lang. Ang ramen ay parang sa instant noodles at anghang lang ang nalalasahan namin sa sabaw na parang walang timpla.

Sayang, andun na ang konsepto, pero sana inayos nila ang presentation at lasa ng pagkain para bumagay sa kanilang pres­yo.

 Burp! Lasa: 2/5; Presentasyon: 1/5; Presyo: 1/5

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with