^

Para Malibang

Pangalawang Anino (316)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

GALIT si Yawan sa nalaman.

“Si Nanette? Nagpasikat din? Bumuhay din ng patay?”

“Pero hindi bale, Yawan. Mas lamang ka pa rin. Kasi ikaw, pinatay mo muna ‘yung babaing may leukemia saka mo binuhay uli. O di ba, mas bongga naman ‘yon?”

“Gaga! Hindi nakakapagpataas ‘yon ng ere ko! Dapat, hindi marunong bumuhay ng patay si Nanette!”

“Ikaw naman, alam mong kakayanin niya ‘yon. Kasi aral nga ‘yon kay Inang Maria. Saka napatunayan naman nating may kapangyarihan talaga siya!”

Pinandilatan ni Yawan ng mata ang pangalawang anino. “Kakampi ba kita o nagbago ka na ng loyalty? Sabihin mo lang at dudurugin kita!”

“Hindi ka na mabiro. O, paano na ngayon ‘yan? Mukhang bumibida na naman ang kalaban. At tayo rito, mukhang tagumpay ang pagpigil ng mga pulis sa kasikatan natin.”

“Kanina pa ako nag-iisip ng paraan paano natin ma-twist ang utak ng kapulisan na ‘yan.”

Nag-isip naman ang pangalawang anino.

“Alam ko na. Bakit di mo patayin tapos buhayin ang lahat na pulis?”

“At bakit mo naman nasasabi na iyan ang magpapabango sa atin sa mga pulis na ‘yan? Mula nang inalis nila si hepe, lumamlam na ang kinang natin!”

“Oo nga, para na tayong bituing walang ningning!”

“Pero tama ka, bigyan natin ng sakit ang mga kapulisan na ‘yan na hindi ako ang mapagbibintangan na nagbigay noon sa kanila, tapos gagamutin ko sila, baka gagana ang gimik na ito!”

“Go, Yawan! Ano pa ang hinihintay mo?”

“Huwag tayong magmadali. Kailangan may timing, dapat believable.”

May nagtitinda ng meryenda na dumating, dala ang isang basket na paninda.

“Ano meron?” tanong agad ng isa sa mga pulis sa tindera.

Lahat na pulis na naroroon ay gutom.

At suki nila ang tinderang ito.

“Marami. Mga paborito ninyo. Lugaw, minatamis na saging, ginatan, suman, bibingka ...”

Kanya-kanya nang bili ang mga pulis.

Sabay-sabay na kumain matapos magtimpla ng kape.

Napangisi si Yawan. “Alam ko na ang gagawin ko, Yawanaya.”

- ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with