Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Panic Attack sa Pagta-travel

Isa sa pangarap sa listahan ng bucklist ng ma­rami ngayon ay ang pagta-travel.  Pero kahit gaano man ang ka-exciting ang plano ay hindi nawawala ang takot at ‘di inaasahang panic attact sa pagtungtong sa ibang lugar.

Kahit masaya ang experience sa pagta-travel, lahat ay dumadaan sa anxiety dahil sa pagod mentally at physically. Ang maganda, marami ang hindi nagpapatalo sa nararanasang anxiety para mag-explore na magbakasyon sa ibang lugar o bansa.  Dahil ang isang epektibong pang-combat ng anxiety sa gustong adventure na pamamasyal ay ang patuloy na pag-travel.

Sa halip na lamunin ng takot  ay huwag patalo, dahil kalaunan ay masasanay na rin sa stress na kailangan lang one trip at a time. Mas nagbibiyahe ay nalalabanan ang nararanasang anxiety kahit hindi madali, pero kayang lampasan habang hinaharap ang takot. Tandaan, hindi ka nag-iisa sa nararamdamang anxiety, ngunit ang kapalit ay treasure at unique na karanasan sa iyong gagawing pagbabakasyon ngayong taon. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: