Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (313)

SA OSPITAL, tinatakpan na nga ng kumot si Ariel.

Matapos sabihin ng doktor, for the record, kung anong oras ito namatay.

May mga pulis sa ospital, inalam ang kalagayan ng biktima. Napai­ling ang mga ito nang nalamang patay na si Ariel.

At dahil nga mula nang mapuno ng mga milagro ni Yawan at ni Yawanaya ang presinto mula nang magpanggap na mga mabubuti na, marami pa ring mga reporters sa lugar.

Naka-monitor din sa biktima ng karahasan sa presinto.

“Patay na ang tinaga, Doktor?” Pormal silang nakapagtanong sa manggagamot na gusto sanang magligtas kay Ariel.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Officially, this hospital’s statement is yes, ang biktima ng karahasan sa presinto na laging may mga milagro ay ... patay na.”

“Anong oras po nangyari, Dok?” Tanong ng isa pang reporter.

“Twenty minutes ago. Time of death is 2:50 in the afternoon.”

Pumapasok na sa entrance ng ospital sina Nanette at Angela. Umiiyak si Angela.

Pero ang unang napansin ng mga reporters at iba pang taga-media ay ang kakaibang bango nang dumaan sina Nanette.

“Sino ang mga ‘yon? Iyung anino, maaring si ­Angela, ang una. Kilala na namin siya. Pero ‘yung kasama niya na napakaganda ... sino siya?”

“Iyon yata si Nanette. Ang babaing banal. Nakuha raw ang kabanalan nang umakyat at nagdasal sa ituktok ng isang banal na bundok.”

“At sabi ng mga tagarito, ang Nanette na ‘yon daw ang tagapagmana ng kabanalan at kapangyarihan ni Inang Maria. Isang alagad ng Diyos na noong nabubuhay pa dito sa lupa ay lumaban din sa kasamaan.”

“Ano kaya’ng gagawin ng Nanette na ‘yan, kung totoong banal siya, ngayong namatay na ‘yang si Ariel ... ‘di ba, ang sabi, nagmamahalan daw iyang unang anino at si Ariel?”

Nasa harapan na ngayon nina Nanette at Angela ang bangkay ni Ariel na natatakpan na ng kumot.

“Ang dami pa naming pangarap, Nanette. Ngayon wala na siya. Kinuha siya ng karahasan.”

“Pero hindi pa niya dapat oras.”

Natigilan si Angela. “Kung hindi pa, ano’ng dapat nating gawin?”

“Magdadasal tayo. Bubuhayin ko siya. Kapag ipinagkaloob sa akin ng ating Diyos ang karapatang  bumuhay ng hindi pa dapat namatay, babalik sa lupa si Ariel. -  ITUTULOY

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: