Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sakit ni Tatay na Ayaw Ipamana sa Anak

Dear Vanezza,

Ako po ay 72 years old na marami nang sakit sa katawan. Sabi ng doktor ay sinisingil na ako ng aking katawan sa pag-iinom, paninigarilyo, at iba  pang bisyo. Pinatigil ko ang mga anak ko at ipinagbawal ko na ang alak sa bahay. Pero minasama ito ng panganay ko na nag-walk out at hindi na ako dinalaw nung Pasko at Bagong Taon. Kung maibabalik ko lang sana na na­ging mabuti akong tatay. Pero hindi pa huli ang lahat ‘di ba? – Tatay Erning

Dear Tatay Erning,

Hayaan mong magpalipas ng tampo ang iyong anak. Kapag malamig na ang sitwasyon ay puwede mo rin kausapin at ipaliwanag sa kanya ang iyong motibo na ayaw mo lang siyang matulad sa iyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: