^

Para Malibang

Pangalawang anino (311)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

BUMAGSAK na duguan si Ariel. Nangisay.

Nagtititili si Angela.

“Diyos ko pooo! Tulungan ninyo si Ariel!”

Nanisi pa ang ilan.

“Kasalanan ninyo kasi. Napakaganda ng ginagawa dito nina Yawan at Yawanaya pero gusto ninyong sirain!”

“Hindi ba kayo ang unang mga taong naniniwala na puwede pang maging mabubuting tao siya Yawan at Yawanaya?”

“Kayo pa nga ang nagdala sa amin dito para makipagdasal sa kanila, hindi ba?” Usig ng isang madasalin.

“Bakit ngayon, duda na kayo? Kung kailan gumagawa sila ng mga milagro na nakakabuti sa mga tao? Pagpagaling ng may sakit, pagpalakad sa mga naka-wheelchair, pagtukoy kung nasaan ang mga nawawalang tao. At ngayong nakabuhay ng patay si Yawan, kayo pa ang unang nag-iisip na hindi tama ito!”

“Utang na loob, tulungan muna natin si Ariel! Dalhin natin siya sa ospital!”

Ang mga pulis ang tumulong kay Ariel para madala ito sa ospital. Tumakbo naman si Angela sa simbahan at nagdasal nang husto. Tinatawag o kinakausap si Nanette sa pamamagitan ng dasal.

At narinig iyon ni Nanette na nagdadasal pa rin sa bundok na banal.

“S-Si Angela! Kailangan nila ni Ariel ang tulong ko! May nangyari!” Nagpahigop si Nanette sa mabining hangin para madala sa dalawang taong nangangailangan sa kanya. Nagdadasal na nakapikit pa rin si Angela nang nagkaroon siya ng urge na idilat ang mga mata.

At nakita niya si Nanette na nasa harapan na niya.

“Nanette! Salamat sa Diyos at narinig mo ako!”

“Puntahan na natin si Ariel!”

 “Ano na kaya ang nangyayari sa kanya, Nanette?”

 Nalungkot si Nanette. “Patay na siya, Angela.”

“Hindiiii!”

DINAKIP ng mga pulis ang tumaga kay Ariel, agad ikinulong sa seldang katabi ng kinaroroonan nina Yawan at Yawanaya na nakakulong uli ngayon.

Hinarap ng pumalit sa hepe ang mga tao. “Magsiuwi na kayo. Dahil sa nangyaring karahasan, inutos ng nasa itaas ng pamahalaan na ibalik na sa normal ang presintong ito. Wala nang mga bisita na walang alisan. Wala nang pagpi-perform ng milagro. Magsiuwi na kayo!” - TUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with