^

Para Malibang

Pangalawang Anino (310) PANGALAWANG

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAGDADASAL sa banal na bundok si Nanette, nananalig pa rin sa tunay na Diyos.

Sina Yawan at Yawanaya naman ay walang nagawa nang paalisin na ang hepe na pabor sa kanila.

Ayaw sanang umalis ng hepe sa presintong iyon pero wala nang dahilan para manatili siya.

Nang nagmatigas ay may mga marshalls na dumating at bodily driven na ang hepe mula sa kanyang dating upisina.

“Yawan, ano na kaya ang mangyayari sa atin? Wala na ang kakampi natin.”

“Basta umakto tayong mababait.”

Lumapit ang mga marshalls at dinampot sina Yawan at Yawanaya.

“Balik na kayo sa selda ninyo.” Matapang na sinabi ng pinaka-lider na marshall.

“Hindi na kayo puwedeng manggamot dahil  bawal!”

“Nakakagaling kami, nakakabuhay ng patay ... bawal?”

“Tiyakin n’yo lang na huwag magagalit ang mga tao sa inyo!” Kalmadong sinabi ni Yawan.

“Bakit magagalit? Ginagawa lang namin ang aming mga trabaho.” At iginiya ng mga marshalls sina Yawan at Yawanaya sa loob ng selda.

Biglang humarang mga taong panatiko na kina Yawan. “Huwag n’yo silang salingin. Dito lang sila sa labas. Mga lehitimong miracle worker sila!”

Natigilan ang mga pulis.

Iilan lang sila, maraming mga madasalin, mga mala­laking lalaki pa ang iba.

Humarang ang mga ito sa dadaanan ng mga pulis na hawak sina Yawan at Yawanaya.

“”Kapag hindi ninyo sila pinakawalan, magigiba ang presintong ito na wala na ngang kaayus-ayos.”

Walang nagawa ang mga pulis, takot sa confrontation.

Nakita nilang lahat na kayang manakit ang mga madasalin.

“Sumamba tayo sa kapuri-puring Diyos na totoo! Alamin muna natin kung tunay na Diyos nga ba ang nagmimilagro dito?” Hindi na nakatiis si Ariel na manahimik na lang, sumigaw na.

Bigla na lang pinalo si Ariel ng itak sa ulo.

May dugong dumanak. Pinatamaan pala talaga si Ariel ng matalas na bahagi sa ulo. Na-shock ang unang aninong si Angela, ni hindi nakasigaw.

- ITUTULOY

 

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with