^

Para Malibang

Pangalawang Anino (309)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

GINAWA na ng hepe na permanenteng nasa labas ng kulungan sina Yawan at Yawanaya.

At ang malaking altar ay naka-set up na rin.

Araw-araw, nada­dagdagan ang mga madasalin, humihingi ng mga milagro.

Laging maraming bulaklak na bigay din ng mga naniniwala kina Yawan at Yawanaya.

Hindi na nga muk­hang kulungan ang lugar.

Umagaw na ng aten­siyon sa media.

Sina Yawan at Yawanaya ay sumikat, bumango sa publiko dahil sensational ang mga balita sa kanila.

Lagi na lang may nagsasalita na tv reporter sa harap nina Yawan at Yawanaya na patuloy pa rin sa paggawa ng mga milagro.

“Ang isang napakagandang dalaga, si Yawan, ang babaing may dalawang anino pero sa ngayon ay ang pa­ngalawang anino na lamang niya ang kanyang kasama, ay heto at pinupuntahan na ng lahat na klase ng tao. Sila ng kanyang anino na nakakulong dahil daw sa mga nagawang mali noong nakaraan, ngayon ay itinuturing nang heroes ng mga tao.”

“Marami na silang napagaling na maysakit, mga taong nawawala ay kanilang natagpuan. Nahuhulaan nila ang eksaktong nangyayari at kung saan makikita ang mga taong nawawala. Pambihira ang kanilang kakayahan, sabi ng mga taong araw-araw ay dumadating dito.”

Hindi naman nagustuhan ng mga nasa mataas na antas ng pamahalaan na ang presinto at bilangguan ay parang nagiging simbahan na.

At ang dalawang preso ay malaya na, hindi na nakakulong. Sinasamba na lang.

May dumating na mataas na opisyal ng kapulisan.

Kinausap agad ang hepe.

“May mali sa nagiging situation dito, Chief.”

“Nagbago man ho para naman sa kabutihan. Ang kapangyarihan nina Yawan at Yawanaya ay hindi naman puwedeng balewalain.”

“Chief, kahit pa magagandang milagro ang kanilang ginawa, hindi maaaring labagin ang batas ng ating bansa. Ang kulungan ay kulungan. Ang mga preso ay preso. Hindi sila dapat ituring na malaya dahil may mga kasalanan pa silang hindi napanagutan.”

Tumigas ang anyo ng hepe. “Paninindigan ko ang ginagawa ko ngayon. Higit pa sa batas ng tao ang mga pangyayari dito!” - ITUTULOY

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with