^

Para Malibang

Pangalawang Anino(308)

Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI na nakikita ng mga tao si Nanette, para siyang nakalutang sa hangin.

“Angela, tama ba kami, buhay na rin si Nanette at nandito lang siya kanina?”

“Oo, buhay na siya, nakita rin namin, e.” Sumegunda ang isa pa.

“Pero nasaan na? Parang sa isang iglap lang, nawala .”

Hindi naman makapagsinungaling si Angela. “Nandito nga siya pero umalis na.”

“Bakit hindi niya binati si Yawan? Dapat pinuri niya at pinasalamatan dahil nakagawa ng pambihirang milagro si Yawan.”

“Tama. Pareho na silang nasa panig ng kabutihan. Ang inaasahan namin ay matutuwa nang husto si Nanette dahil nakakatulong na sina Yawan at Yawanaya sa mga tao.”

Safe ang sagot ni Angela. “Hayaan ninyo, kapag iyon ang nararapat, mangyayari naman ‘yon.”

At nasaksihan nina Angela at Ariel na lalo pang ipinagbubunyi ng mga madasalin sina Yawan at Yawanaya.

Ang hepe sa presinto ay parang hibang na sa kanyang dalawang preso.

“Ngayon din ay magpapatayo ako ng altar dito sa presintong ito! At walang makakapigil sa akin!”

“De parang gagawin n’yo na itong simbahan, Chief?”

“At hindi naman siguro masama! Makakabuti pa nga dahil ang lugar ng mga makasalanan ngayon ay magiging lugar na ng kabanalan!” May ibang pulis na nagkatinginan. Nawiwirduhan na sila kung ganoon ang mangyayari. Saka papayag ba ang mga mas nakakataas na sangay ng pamahalaan? Na ang bilangguan ay gagawin nang parang simbahan ng dalawang presong gumagawa ng mga milagro?

SI NANETTE ay taimtim na nagdadasal sa banal na bundok. Na dati niyang pinaghirapang akyatin. Pero nga­yong taong banal na siya ay napakadali na niyang marating kapag ginusto niya.

Nang inisip niyang magdadasal dito sa banal na bundok, para lang siyang mabining inilipad ng hangin sa ituktok.

Napakalapit niya sa Diyos na kanyang kinakausap.

“Gumagawa sila ng maling milagro. Manlilinlang sila ng mga nanampalataya. Sana magkaroon ako ng tibay para labanan ito kundi po ay marami ang maliligaw.” May mga awit ng anghel siyang naririnig, nakadama ng kapa­yapaan si Nanette. Ang maka-Diyos na tiwala ay nananatili. -  ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with