^

Para Malibang

Pangalawang Anino (298)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

ANG hepe na tiyuhin ng babaing nawawala ay hindi pa rin makapaniwala. Pero marami nang napagaling si Yawan kaya handang alamin ang katotohanan.

“Sige, Yawan. Ako mismo ang magli-lead sa mga pulis ko sa ope­rasyong ito. Gusto ko kaagad malaman kung itong mga sinabi mo ay totoo.”

Confident na ngumiti si Yawan. “Itataya ko ho ang buhay ko, Hepe. Nasa bahay nila ngayon ang inyong hinahanap. Kaya huwag na kayong mag-aksaya ng oras, papuntahan n’yo na ho.”

“Ngayon din.”

Patuloy na naggagamot si Yawan habang wala ang hepe ng presinto.

SINA Angela at Ariel naman ay nasa simbahan.

Muli nilang nakita ang banga na kinalalagyan ng mga pira-pirasong katawang bato ni Nanette.

“Ano kaya ang ibig sabihin nito, Ariel?”

“Nagpaparamdam siya.”

“Bakit? Masaya kaya siya dahil mababait na ang kanyang half-sister na si Yawan at pati si Yawanaya?”

“Sana nga tama ang iniisip mo. Pero naisip ko rin, baka palatandaan ito na malapit na siyang mabuong muli at gumising.”

“Ay, talaga? Naku, nakakatuwa kung totoo nga ‘yan, Ariel!”

“Baka masaya na rin siya dahil mukhang matatapos na ang problema ng kanyang half-sister. At least, si Aling Alona na lang puwedeng ituring na problema.”
  “Ariel, magdasal tayo nang taimtim. Dito sa simbahan, dito sa harap ng mga pira-pirasong katawang bato ni Nanette.” Nagdasal nga ang dalawa, taimtim.

Nang naamoy nila ang napakabangong hindi nila kayang tukuyin kung anong klaseng bulaklak.

Kinilabutan si Angela. “Parang may magaganap ngayon. Hindi ko lang alam kung ano.”

Napatingin sila sa banga na lalo pang naggu-glow.

“Angela, tingnan mo ... naglalabasan ang mga pira-pirasong katawang bato ni Nanette, lumulutang.”

Nagpormang tao ang mga pira-pirasong bato nang nasa labas na ang lahat nang ito. MAY nagbalita kina Yawan at Yawanaya.  “Nandidiyan na ang hepeng pinapunta ninyo doon sa isang address ...”   - ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with