Banana Foster Pancakes/Waffles ng Comedor Sulit!
BURP REVIEW
Pasosyal muna tayo bilang nakuha na natin ang ating mga Christmas bonus! Hahaha.
Marami ring Pinoy ang nag-i-enjoy sa pancakes at waffles tuwing agahan. Kaya ang ating rerebyuhin ngayon ay ang pancake waffles sa isang restaurant sa Marikina na Comedor by Maria and Miguel Restaurant.
Medyo weird lang dahil ang order namin ay Banana Foster Pancakes na ang nakalagay sa menu ay 3 layers of pancakes at nagkakahalaga ng P180, pero nang dumating ay dalawang layer ito ng waffles with sauce and banana toppings.
Pero sulit na rin dahil malalaki ang layers nito at maaaring dalawang tao ang kumain. Masarap din ang sauce na hindi gaanong matamis at hindi rin tipid sa toppings na saging. Bagay na bagay sa malambot na waffles pero tostado ang labas. Burp!
Lasa: 4/5; Presentasyon: 3/5; Presyo: 3/5
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest