^

Para Malibang

Mag-asawa Kailangan pa bang Magpalitan ng Christmas gifts?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

Pagmamahal lang sapat na. Kapag mag-asawa na hindi naman na kailangan pa ng kahit na anong materyal na bagay. Ang pagiging tapat sa pagmamahal ay sapat na kung ako ang tatanungin ha. Bukod sa makakatipid ka sa budget hahaha. – Danilo, Pasay

• Siyempre naman, minsan lang naman sa isang taon ang Pasko kaya dapat lang na magbigayan ng regalo lalo pa ng mag-asawa. Kahit naman hindi mamahalin, basta ang thought na nagbigay ka ng something ay siguradong magpapainit sa inyong mag-asawa. – Lito, Bataan

• Depende naman sa kaso haha. Kung may pera ok lang naman pero kung gipit talaga, kahit naman walang regalo okay lang. Basta magkasama sa Pasko ay swak na. Mahirap na kaya sa panahon ngayon ang magkasama sa mga espesyal na okasyon. – Herbert, Cebu

• Kung magdyowa lang oo naman kailangan pa ‘yun. Pero kung sa mag-asawa na, para sa akin hindi na ‘yun kailangan pa dahil nga naman may mga iba nang prayoridad ang mga mag-asawa. Dapat ‘yun muna ang atupagin kaysa mga rega-regalo.– Bastie, Palawan

• Mas maganda pa rin sana ang may something sa misis mo, kahit maliit na bagay lang. Kahit mga simpleng bulaklak o simpleng tsokolate, basta maalala mong bigyan ang asawa mo sa araw ng Pasko, palagay ko naman ay magiging okay na. Pagmamahalan naman ang totoong diwa ng Pasko.   – Vince, Bulacan

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with