Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hinayaan na lang Barilin

Panaginip: May humahabol sa akin at binabaril nila ako. Napagod ako kaya huminto na lang ako at pinabayaan na lang na matamaan ng bala. Pero  ayokong mabaril nang nakaharap kaya tumalikod ako at hinintay na lang na tamaan.---Philip

Interpretation: Ang kamatayan sa panaginip ay nagpapahayag ng mga pagbabago sa buhay. Ang pagbabagong magaganap sa iyong buhay ay hindi magiging katanggap-tanggap  sa una. Ngunit kapag magtagal ay maiisip mo rin na hindi naman ito makakasama sa iyo kaya tatanggapin mo na rin. Ito ang ibig sabihin ng huminto ka at pinabayaan mong barilin ka.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: