^

Para Malibang

Courtesy at Respeto sa Asawa

Pang-masa

Ang conflict ay puwedeng maging positibong role sa mag-asawa lalo na kung mananatili ang respeto sa isa’t isa nina mister at misis.

Hindi maiiwasang nagkakaroon ng tampuhan at galit ang dalawa, pero huwag hayaang maging insensitive sa nararamdaman ng asawa. Kadalasan sa sobrang pamilyar ng mag-asawa ay nakakalimutan na ang damdamin ni mister o maybahay. Gaya halimbawa na naghihintay si misis sa usapan o sa loob ng bahay. Kahit sa simpleng text o abiso ay dapat masabihan ni mister kung mali-late ng pag-uwi ng bahay o mayroong pupuntahan. Bilang courtesy o pagkakaroon ng line of respect kay hubby o wifey ay kailangang mag-sorry. Hindi komo nagkamali si misis o mister, ‘di dapat ito maging lisensiya para sa puntong iniinsulto na ang asawa o saktan ang kabiyak. Minor o major man ang problema huwag kalimutan ang respeto sa asawa. May pinagtatalunan ang mag-asawa na isyu na worthy na ipaglaban sa diskusyon para sa mahalagang desisyon o simpleng bagay. Pero tandaan na ang pinakaunang priority sa listahan ay ang respeto sa asawa.

Ito ay upang mapanatili ang pagpapahalaga kay mister at misis para maging maayos ang pagsasama.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with