^

Para Malibang

Pangalawang Anino (293)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

TUWANG-TUWA pang kinausap ng mga tao sina Yawan at Yawanaya. “Salamat sa Diyos at napagbago Niya kayo. Matatahimik na ang ating lugar.”

“Sana magawan din ninyo ng paraan na hindi na mamiminsala ang inyong ina. Nabalitaan namin ang nakakayanig na ginawa niya sa presong si Dakua.”

“Hayaan ho ninyo, gagawin namin ang lahat para makalaya na rin ang aming Inay sa kamay ng hari ng kadiliman.”

“Yawan, hindi ba tayo tutulong sa kanila?”

“Ha?” Hindi inaasahan ni Yawan ang sinabi ng pangalawang anino.

“Sino sa inyo ang hirap na hirap ngayon sa buhay?” tanong na ni Yawanaya sa mga bisita.

Marami ang nagtaas ng kamay.

“Humina ang pagtatraysikel ko mula nang nagkakatakutan dito sa ating lugar. Pasensya na, oo, naniniwala naman ako na mabait na kayo ngayon pero ang sinasabi ko lang ay kamakailan lang takot lumabas lalo na sa gabi ang mga tao dahil sa inyo.”

Nagpakumbaba naman si Yawan. “Hiyang-hiya kami ngayon sa inyo dahil pati hanap-buhay ninyo ay nadamay pa. Hindi bale ho, tama si Yawanaya, babawi kami, tutulong kami.”

Kinuha ni Yawan ang dala-dalang attaché case, binuksan ito.

Nanlaki ang mga mata ng mgatao sa dami ng pera sa loob ng attaché case ni Yawan.

“Ang yaman-yaman n’yo talaga!”

“Hindi ko na itinuturing ito na akin. Pantulong ko na ito sa mga nangangailangan. Please, huwag ninyong tanggihan ang munti kong tulong.”           At namigay ng pera si Yawan. Pumila naman ang mga tao, tingin na nila ngayon kay Yawan ay si Santa Clause na mahal na mahal nila.

Napahanga nang husto kay Yawan ang kanyang pangalawang anino. Napakatalino nito, kayang paglaruan sa mga palad ang mga tao.

Sina Angela at Ariel naman na tahimik lamang nakatingin sa magandang nangyayari ay lalo pang natutuwa.

YANIG na naman ang mga tao habang nakatingin kay Alona.

“Santisima! Lumalaki siya, tumatangkad! Magi­ging higante na yata!”

“Paano na ‘yan, ma­lakas at matatalas na nga ang mga ngipin, kaya pa tayong tirisin!”

Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with