^

Para Malibang

Pulubi sa China QR Code na ang Gamit Panlimos

Pang-masa

Grabe na ‘to!

Level up na ang mga pulubi sa China dahil hindi na problema kung wala kang barya. Gumagamit lang naman sila ng QR code na siyang nauuso na ngayon para hindi na kailangan pang maglabas ng pera. Ang kailangan lang gawin ay i-scan ang QR codes at maaari nang mag-transfer ng pera na donation sa pulubi.

Nagkalat ang mobile-savvy beggars sa Jinan sa Shandong province sa China. Nagkukumpulan ang mga pulubi sa lugar kung saan maraming turista at may hawak na QR code printout. Kahit sino’ng may Alipay, WeChat Wallet o iba pang mobile payment app ay puwedeng gumamit nito at mag-donate.

Pero hindi lahat ng pulubing gumagawa nito ay may cell phone tulad ng ilan na may sakit at ginawan lang ng pamilya nila para makahingi ng limos. Ayon sa China Channel, maraming pulubi sa Beijing ang nakatatanggap ng bayad sa local businesses sa kada-QR code na nai-scan sa mga dumadaan. Ginagamit kasi ang mga scans para manakaw ang WeChat profiles at maaaring ibenta sa maliliit na business kung saan sila padadalhan ng maraming advertisement.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with