^

Para Malibang

Pangalawang Anino (284)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

SI ALONA ay masamang-masama ang tingin sa tatlong pulis na nagbabantay sa kanya.

Ang kanyang selda ay nakabukod, nakapuwesto sa likuran ng presinto.

Hindi accessible ng kahit sino. Mga pulis lamang na nakakaalam kung gaano kadelikado si Alona ang nakakapunta dito.

“Hepe, dapat talaga ay mailipat na ito sa mas secure na lugar, maraming bantay na de calibre ang mga baril.”

“Oo nga. Tingnan n’yo naman ang itsura, o. Mukhang napakabagsik at ang lakas-lakas.”

“Lalo na kasi nga gutom na.”

Isipin n’yo na lang kasi kung sino ang inubos niyan maliban sa ulo? Si Dakua na ubod nang laki!”

“Sarhento, di ba may silencer tayong nakatago? Kunin natin. Kapag pumalag ‘yan, barilin na natin.”

 “Bawal ‘yon, a!”

“Sa ordinaryong preso bawal pero sa ganitong klase? Baka maunahan pa tayo, wala namang ibang makakatulong sa atin ngayon!”

“Pare, hindi pa naman siya umaatake. Tumitingin pa lang!”

“Hihintayin pa ba nating umaatake?”

Nadaig na rin ng takot ang sarhento. “Sige, kunin na ang silencer, unahan na natin ito! Basta palabasin nating gigibain na ang selda!”

“Kukunin ko na, Sarhento!”

Patuloy ang taimtim na pagdadasal ng mga nana­nampalataya sa mabait na Diyos sa harap ng selda nina Yawan at Yawanaya.

Grabe ang pagtitiis ng dalawa, sa loob ng kanilang mga blouse na mahahaba ang manggas at jeans ay sugat-sugat na sila.

Walang kaalam-alam sina Angela at Ariel, pati na ang mga nagdadasal na tinatablan ng dasal ang dalawa dahil mga kampon pa rin sila ng kadiliman.

Nanginginig na nga sila sa sakit, tiis pa rin.

Kasi alam nila na makakabuti ito sa kapangyarihang itim na gusto nilang tumibay at tumingkad pa.

HAWAK na ng sarhento ang baril na hindi makakalikha ng ingay. Agad pinuntirya si Alona, pinaputukan.

Ang pagtitiis nina Yawan at Yawanaya ay may epekto kaagad. Tinamaan nga si Alona pero hindi tumalab ang bala. Parang naging mas matigas pa sa sementadong pader ang katawan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with