^

Para Malibang

Pangalawang Anino (290)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

MARAMI ang sumama sa pagpunta sa kulungan nina Yawan at Yawanaya para magdasal.

May mga nagdala ng rosary, kandila, prayer book.

May ilang sumama para lang makiusyoso. Hindi pa naniniwala na ang dalawang walang kasing-sama ay bigla na lang magbabago.

“Tingnan natin kung ano ang itsura ni Yawan kapag dinadasalan na silang dalawa ni Yawanaya nina Angela at Ariel.”

“Ang alam ko, kapag masasama at dinadasalan, napapaso o kaya ay tinutubuan ng kung ano-ano.”

SINA Yawan at Yawanaya ay kinabahang bigla nang nakita na marami ang mga taong sumama kina Angela at Ariel.

Nagbulungan.

“Yawan, paano ‘yan? Kapag nagdasal lahat iyan, mas marami na naman tayong sugat at mga paso!”

“Ganoon talaga, Yawanaya. Kahit masasama, kailangan ding magsakripisyo. Basta huwag kang sumigaw kahit gaano na kasakit ang mga paso mo.”

“Ano pa nga ba? Tiis kete tiis!”

“Yawan, nandidito na kami. Ang dami nila, o, Lahat sila taimtim na magdadasal sa Panginoon para patnubayan kayo sa inyong pagbabago.”

Sinuyod ni Yawan ang mga mukha sa harapan. “Marami nga silang pumabor  sa amin, Angela. Mara­ming salamat sa kanila.”

Bago pa  nakasagot si Angela, nagluhuran na agad ang mga kababayan nila.

Nag-rosaryo kaagd.

Palihim na pinagmamasdan ni Angela sina Yawan at Yawanaya

Wala siyang nakikita sa facial expression sa mga ito na namemeke.

Nakatapos ng isang rosary. Nagkantahan naman. Mga religious songs. Kita ni Angela na masaya ang mga tao sa kanilang ginagawa. At si Yawan ay ang amo-amo ng mukha.

Medyo napanatag na siya.

“Dadalaw ba tayo uli dito bukas?” Tanong ni Angela kay Ariel.

“Magpapaalam tayo kay Father. Kapag payag, huwag nating pigilan ang mga tao sa pagdadasal dito. Nakakatulong tayo, e.

SI ALONA ay umimpis na ang tiyan.

Nananalim ang mga mata dahil gutom na naman.

Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with