^

Para Malibang

Sea anemone at isda nadiskubreng nabubuhay sa Antarctic ocean

MRYOSO - Pang-masa

Halos 71 porsiyento ng mundo ay nababalutan ng tubig kaya naman marami pa talaga tayong hindi nagagalugad at napag-aaralan. Maraming nadidiskubreng sea creatures na kakaiba at minsan ay mas nakakatakot ang hitsura. Ayon sa mga eksperto galing sa kailaliman ng karagatan ang mga nasabing nilalang at hindi pa lubos na napag-aaralan.

Isa sa mga misteryosong lugar ay ang Ross Sea Ice Shelf na matatagpuan sa Antarctic ocean. Ilang research team ang nag-drill sa nasabing lugar  ng ilang daang metro kung saan marami silang nadiskubre at nakitang misteryosong collection of species kasama na ang mga isda at crustaceans.

Ang nasabing grupo ng scientists ay nagti-testing ng isang underwater robot nang bigla silang makahagip ng isang hindi pa nakikitang sea anemones at isdang pabaliktad lumangoy. Walang makapagsabi kung paano napunta ang mga ito sa Antarctica at paano nila nagawang mabuhay. Iniisip ng ibang eksperto na maihahalintulad ang ice shelf sa Europa, isa sa mga buwan ng Jupiter. Kaya naisip nila na may mga nilalang ngang maaaring mabuhay sa ganoong kondisyon. Pero kahit kakaunti ang nalalaman tungkol sa maiilap na sea creatures, umaasa ang mga reporter na makababalik sila roon at makakapagsagawa uli ng research gamit ang bago at mas magandang robot.

Palagay n’yo,  mas matibay kaya itong ebidensya na may buhay sa labas ng ating mundo? Kayo na ang humusga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with