Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sintomas ng Genital Warts

Ang genital warts ay isang sexually transmitted infection (STI) na dulot ng ng strains ng human papillomavirus (HPV).

Ang warts na ito sa pa­ligid ng ari ng lalaki o babae ay nagdudulot ng kirot at pangangati. Delikado ito lalo na sa mga babae dahil ang ilang uri ng HPV ay nagdudulot ng cancer sa cervix at vulva.

 Narito ang ilang sintomas ng genital warts:

1. Maliliit na butlig sa paligid ng penis.

2. Parang cauliflower na tumpok ng butlig sa ari ng lalaki.

3. Maaari rin tumubo ang mga butlig sa hita at paligid at loob ng puwet.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

4. Sa mga babae naman ay tumutubo ito sa loob ng ari at puwet din.

5. Isa pang sintomas sa mga kababaihan ang pagkakaroon ng vaginal discharge.

6. Pagdurugo ng ari ng babae kahit walang butlig na nakikita.

7. Pangangati at burning sensation sa ari ng ba­bae.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: