Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Social Phobia

Natural na makaramdam ng self-conscious, ner­byos, o nahihiya sa harap ng maraming tao kung minsan.

Kahit sino ay lumalakas ang tibok ng puso, pinagpapawisan ang palad, sumasakit ang tiyan kapag sinubukan ang mag-try out sa school event o first time magtanong ng date, at mag-report sa harap ng klase. Ang ibang tao kayang i-manage ang ganitong moment kapag kailangan. Pero para sa iba ay extreme ang nararamdamang anxiety.

Sa sobrang hiya o self-conscious ay hindi na makapagsalita o masabi ang sagot dahil sa nerbyos.

Hindi magawang tumingin sa harap ng klase o umiiwas makipagkuwentuhan sa ka-date.

Kapag self-conscious at balisa na hindi makapagsalita sa harap ng tao malamang dahil sa nahihiya.

Ang anxiety na nararamdaman ay tinatawag na social phobia.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: