Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dalaga Nagparetoke Para Mapasaya ang BF

Grabe na ‘to!

Isang 22-anyos na dalaga mula sa Hong Kong ang pinagsisihan ang ginawang 30 cosmetic procedures para lang mapasaya ang boyfriend.

Nagsimula sa plastic surgery si Berry Ng noong 17 years old pa lamang siya nang may makita itong cosmetic clinic na nag-offer ng student price. Nang gawin umano sa kanya ang procedure ay sinabihan siyang ipagawa pa ang mas mahal na procedure para mas maging effective. Natuwa naman siya sa resulta at dito na nagsimula ang pagkaadik niya sa pagpapa-enhance ng mukha at katawan.

Noong 20 years old siya ay nagkaroon si Berry ng verbal abusive boyfriend na siyam  na taong mas matanda sa kanya. Lagi umano siyang ikinukumpara nito sa mga babae sa West. Kaya kung anu-ano ang ipinagawa niya kabilang na ang double eyelid surgery at nose job hanggang sa umabot na nga sa breast enhancement.

Natauhan si Berry nang makitang malungkot ang kanyang ina habang nagpapagaling sa breast enhancement procedure. Sinabi nito na maganda ang anak bago pa man ang mga pinaggagagawa niya sa katawan. Kaya hiniwalayan niya ang boyfriend at ipinangakong titigil na sa pagpaparetoke.

Ngayon ay pinagsisisihan na ni Berry ang mga ginawa at tumutulong sa mga babaeng may problema rin sa kanilang mga boyfriend o mister. Nagbibigay siya ng payo at babala sa mga gustong magparetoke.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: