Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (288)

NAPABUNTONG-HININGA si Angela. “Wala namang ibang tamang gawin kundi magtiwala. Kaya huwag na lang muna nating problemahin ang mga kaba ko. Bigyan na nga lang muna natin ng tiwala sina Yawan at Yawanaya.

“Palagay ko, tama ‘yan. O tena sa presinto, iuuwi na natin itong napakasarap na barbecue.” Yaya ni Ariel.

“Paano, dalhin na natin ang mga pagkain sa kanila.”

KUNWARI thankful at sobrang gutom na sina Yawan at Yawanaya.

“Sarap nito! Barbecue!”

“Ito ring salad! Saka  wow, may gatas pa!”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ganadong kumain sina Yawan at Yawanaya, kita nina Angela at Ariel.

“Oy, kung makatingin naman kayo ... para bang ngayon lang kayo nakakita ng isang tao at aninong gutom!”

Napangiti si Angela. “Natutuwa nga kami sa inyo, e. Taong-tao kayo. Palagay ko, hindi na nga kami dapat pang matakot.”

Umirap si Yawan. “Kayo lang naman, e. Ayaw maniwala. Pero salamat, tingin ko naniniwala na rin kayo sa amin. Sana dahil anino naman kita, maging totoong magkaibigan na tayo, Angela.”

“I’d love, too. P’wede bang kapag nagdasal uli kayo dito sa amin, marami kayong tangay na mga tao na magdadasal din?”

“Sige, sisikapin namin. Laging maraming tao sa simbahan para magdasal at dumalaw sa banga ni Nanette. Susubukan naming yayain sila dito.”

Lihim na natuwa si Yawan. Siniko pa ang baliw na baliw sa pagkain ng barbecue na si Yawanaya.

“Ang cute talaga ni Yawanaya. Ubos na ubos na ang pagkain, sinisimot pa.”

“Hindi naman kasalanan ang magutom, ‘di ba?”

“Babalik na kami sa simbahan para makapag­yaya ng mga taong paparito bukas.”

“Ayy, excited ako! Ikaw Yawanaya, excited ka rin naman, ‘di ba?”

“Oo naman. Kasi may kahulugan ito sa akin. Birthday ko ngayon, e.”

“Birthday mo? Paano? Hindi ko alam na birthday mo, de ba dapat pareho ang birthday mo sa amin ni Angela?”

“Basta birthday ko. May separate na date ang birthday ko!” Nagmaktol pa ang pangalawang anino.

“Pabayaan na nga lang natin siya. Wala namang bad consequence kung mag-iimbento siya ng birthday niya.”

Tawang mabait lang si Yawan.

- ITUTULOY

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: