Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (287)

HINDI raw mapalagay si Angela, sinabi kay Ariel.

“Wala ka pa ring tiwala kina Yawan at Yawanaya?”

“Hindi ko alam. Baka. Pero puwede rin namang hindi lang tama ang nararamdaman ko.”

“Di ba sabi ni Father, kahit ano pa ang mangyari, magtitiwala tayo. Lagi nating bibigyan ng pagkakataon ang lahat.”

“Kahit kasinsama nila?”

“Lahat ay maaring magbago. At iyon nga ang sinabi nina Yawan, hindi ba? Baka nga naisip nila na iba pa rin ‘yung nasa panig ka ng kabutihan.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Pero ang alam ko, materyoso sila at selfish. Gusto nila sila lang ang masaya. At kaligayahan nila ang makapanakit.”

“Pero sa tingin mo naman, bakit sila nagkukunwari?”

“Kasi ... gusto lang nilang paglaruan ang mga tao. Saka alam mo ba, noong anino lang ako ni Yawan, naririnig ko sila ni Yawanaya, e. Pero tahimik lang ako. Ayokong kumibo kasi ayokong pati ako ay idadamay nila sa kanilang mga maling kagustuhan. Sabi nila, bawi-bawi lang daw ang kanilang kapangyarihan sa kapangyarihan ng mabuting Diyos. Kapag maraming kabutihan na nangingibabaw sa mundo, ang kapangyarihan ni satanas ay natatalo. Kailangang bumawi kaya gumagawa sila ng mga bagay na maraming mababait na napapasama.”

Natigilan si Ariel. “Ibig mong sabihin, pinapapaniwala nila ang mga taong nasa panig ng Diyos, kapag naniwala na sa kanila, iga-guide na nila ito sa kasamaan para matuwa ang hari ng kadiliman?”

Tumango si Angela.

Napaisip na rin si Ariel. “Paano ba ito? Alam kong hindi ko dapat bale-walain ang sinabi mo kasi malaki ang posibilidad na tama naman. Pero baka naman totoo na ngang mabait sina Yawan. Kasi nga habang nakikipagdasal tayo sa kanila, normal lang naman sila. Hindi sila nasasaktan o umuusok.”

“Mga naka-long sleeves sila at nakasuot ng pantalon.”

“Ibig mong sabihin hindi lang natin nakita ang mga palatandaan na sila pala ay naaapektuhan ng ating pagdadasal?”

“Oo, Ariel. Puwedeng mangyari ‘yon.”

“Paano natin sila mabubuko? O makukumpirma na mababait na nga?”

“Hindi ko nga alam, e. Kasi hindi naman natin nakitang tinablan sila ng mga dasal natin kanina. Kung hindi kasi sila tinablan, iisa ang ibig sabihin, totoong mababait na sila kaya hindi nakakontra ng kanilang pagkatao ang ating mga dasal.” Itutuloy

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: