Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Walang Forever sina Lolo at Lola

Dear Vanezza,

Wala ba talagang forever? Imagine 76 years old ang lolo ko at 75 years old si lola na gusto pang maghiwalay dahil hindi sila magkasundo. Sakit sa bangs tuloy ang tatay ko na hindi alam kung matatawa o maiiyak sa mga magulang niya. Naiinggit ang tatay ko tuwing may nakikitang lolo at lola na mag-asawa na sweet pa rin sa isa’t isa. Ano ba ang maipapayo ninyo sa tatay ko para sa dapat gawin ng lolo at lola ko? – Jas

Dear Jas,

Ganyan talaga ang realidad ng buhay hindi perpek­to. Puwede muna silang paghiwalayin ng bahay para kumalma. Dahil sa tanda nilang yan ay mami-miss din nila ang isa’t isa. Pag-usapan din ang kanilang hindi pinagkakasunduan at tulungan silang maresolba ito para magkaintindihan din ang iyong lolo at lola. Tulungan silang maging busy para hindi lang sa isa’t isa nakatuon ang kanilang atensyon.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: