Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa Pagpili ng Career ng Anak

Ang magulang ang pinakamalaking impluwensiya sa mga anak kung anong pipiliing career nito sa kolehiyo, pero maraming parents na hindi feel na makatutulong sila sa crucial na pagdedesisyon ng mga anak.  

Halos kalahati ng magulang sa buong mundo na hindi aware ng impact sa pagpili ng anak sa kanilang career. Hindi naiintindihan ng parents ang implikasyon ng pang matagalan na pagpili ng gustong profession ng kanilang mga anak. Pero marami ring magulang ang suportado ang academic career ng  anak na iginagapang na mairaos lang ang pag-aaral ng anak. Bawat magulang ay gustong ang pinakamagandang career sa bata.

 Pero mag-ingat na huwag i-pressure ang anak sa hindi natupad na pangarap ng magulang. Dapat maintindihan na unique ang anak na maaaring kakaiba sa talent at hilig ng magulang. Kundi bigyan ng kalayaan at space ang anak sa kanilang sariling buhay.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: