Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Triple Cheeseburger sa Secret Menu ng Mcdo Hindi Sulit

Burp Review

Nakakaloka ang pa-secret-secret menu ng McDo­nald’s kaya naintriga naman kami at sinubukan ito. Apat na burger ang nasa secret menu ng fastfood chain, Surf n Turf, Triple Cheesburger, Double Quarterpounder, at Double Chicken Fillet.

Ang tinikman namin ay ang Triple Cheeseburger dahil sabi sa isang video na napanood namin ay ito ang pinakamalasa.

Nang dumating ang delivery at makita namin ang actual burger ay nakakapanlumo na sa laki. Regular burger lang pala ito at pagbukas ay bumulaga ang makalat na cheese. Literal na parang pinaglaruan. Ang dami ngang cheese pero mukhang cheese sauce at hindi melted cheese. Nakakaloka ang presentation. Tapos ang pickles kakaunti lang, halos puro cheese ang nalalasahan. Ang beef patty tatlong layer nga naman pero hindi makapal.

Sa halagang P149 ala carte hindi ito sulit. Burp!

Lasa: 3/5; Presentasyon: 1/5; Presyo: 2/5

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: