Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pasko sa Argentina

Ilang tulog na lang at Pasko na!

Alam n’yo ba na halos pareho ang selebras­yon sa Argentina sa ating bansa dahil halos lahat ng mamamayan doon ay Katoliko tulad sa Pilipinas. Nagpapalamuti rin sila ng kanilang mga tahanan at naglalagay ng wreaths na may kulay ginto, berde, pula, at puting bulaklak. May mga pula at puting garlands naman ang nakasabit sa kanilang mga pintuan.

Ang kanilang mga puno naman ay kanilang sinisimulang lagyan ng dekorasyon tuwing Disyembre 8, o pista ni Immaculate Conception (Catholic feast). Ang iba ay naglalagay ng cotton balls sa mga puno bilang representasyon ng snow.

Mayroon din silang “pesebre” o ‘yung belen sa atin. Karaniwan itong inilalagay sa tabi ng Christmas tree.

Ang pinaka-main na selebrasyon nila ay tuwing bisperas ng Pasko (Dis­yembre 24). Marami ang nagmimisa at naghahanda para sa hapunan tuwing alas-10 o alas-11 ng gabi. Pagsapit ng alas-12 ay nagsisimula na silang magpaputok bilang pagsalubong sa Kapaskuhan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: