Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Paghingi ng Sorry

Lahat ay nagkakamali na hindi maiwasan dahil tayo ay tao lamang. Dahil hindi laging madaling makisama sa kapamilya, kaibigan, o sa trabaho.

Hindi sinasadyang makasakit ng ibang tao. Minsan ay nabibigla na maging bad at pagkatapos ay nadidismaya rin sa maling nagawa kaya tayo ay humihingi ng paumanhin.

Ang apology ay paghingi ng sorry sa mga nasaktan nang hindi sinasadya. Ito ay paraan ng pagsasabi na aware ka sa nangyari at saka gumagaan ang pakiramdam.

Bakit ba tayo nag-a-apologize? Ito ay isang tool na ginagamit para ma-build ang magandang friendship at relasyon. Kapag sinabing “sorry” na taos sa puso dahil maaaring nalungkot sa masamang nangyari o nasabi.

Ang pagsasabi ng sorry ay higit pa sa mga salitang binigkas. Sinasabi mo rin na nirerespeto mo ang ibang tao at may pakialam ka sa kanilang nararamdaman. Ang pag-apologize ay pagpapakita ng empathy, pakikisimpatya, o pakikiramay sa ibang tao.

Pagkatapos humingi ng tawad ay gumaganda ang pakiramdam. Ganundin marahil ang ibang tao. Kapag nag-apologize ay naaalis ang mabigat sa dibdib.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nagiging mabuti ang pakiramdam dahil alam mong sinusubukan mong gawin uli ang tama.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: