Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nanay ‘Nilulunod’ ang mga Anak Tuwing Pasko

Grabe na ‘to!

Isang nanay ang inakusahang “inaabuso” ang kanyang anak sa pagbibigay ng literal na gabundok na Pamasko noong nakaraang 2015.

Dahil sa naglabasang negatibong komento sa social media matapos siyang mag-upload ng larawan ng kanilang Christmas tree kung saan makikitang halos matabunan na ito ng mga regalo, hindi nagpatinag si Emma Tapping. Noong nakaraang Pasko (2016), mas dinamihan niya ang kanyang mga regalo sa tatlong mga anak na sina Mia, Ella, at Tatum.

“If you ask me if I spoil my kids, I say at Christmas yes I do but I don’t throughout the year. They get the necessities, the school uniform, the things they need but we don’t go on holidays abroad or big shopping sprees,” sabi niya sa isang interbyu.

Masaya lang umano siyang nakikita ang mga anak niyang masayang nagbubukas ng mga regalo.

Kung noong 2015 ay tig-87 na regalo ang mga bata, noong nakaraang taon ay tig-96 na ang ibinigay niya. Ngayong taon ay siguradong mas maraming regalo ang binili niya para sa mga anak.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: